85
Tiamzon, La Salle papanain ang FEU
By

Tiamzon, La Salle papanain ang FEU

Standings W L
Ateneo 5 1
DLSU 4 2
FEU 4 2
UST 4 2
UP 3 3
NU 2 4
Adamson 1 5
UE 1 5

Mga Laro Ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm- Ateneo vs National U
4:00pm- DLSU vs FEU

Papanain ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa kanilang paghaharap ng alas-4:00 ng hapon ng Sabado sa pagtatapos ng first round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Huling nagtapat ang dalawang panig sa nakaraang season ng UAAP Finals kung saan winalis ng La Salle ang serye para makamit ang three-peat.

Bukod dito, galling din sa panalo ang dalawang panig sa kani-kanilang huling asignatura.

Wagi ang defending champions kontra UE Lady Warriors noong nakaraang Sabado, Marso 9, sa straight sets 25-18, 25-20, 25-18.

Humataw para sa Lady Spikers si reserve skipper Tin Tiamzon para ibalik ang La Salle sa win column ng torneo.

“For the whole first few games ready naman ako whenever coach wants me to go in the court. I want to contribute,” pahayag ni Tiamzon na nagbigay ng championship point noong nakaraang season.

Tagumpay rin ang Lady Tamaraws kontra Adamson noong Marso 10 sa iskor na 25-18,17-25, 25-14, 22-25, 15-8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?