9

By

Tiamzon, Bersola, Perlas dedeposito kontra Gazz

Matinding volleybal action ang dapat asahan sa pagtatagpo ng PetroGazz Angels at BanKo Perlas Spikers para sa opening day ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Linggo sa FilOil Flying V Centre.

Magpapasiklab sa second match ang PetroGazz kasama sina Djanel Cheng, Paneng Mercado at Jeanette Panaga samantalang ibabandera nina Jem Ferrer, Nicole Tiamzon at Kathy Bersola ang BanKo Perlas.

Lalo pang kakayod ngayong Open Conference ang Perlas Spikers sa kanilang solid na line-up.

“Positive because we know babawi kami this conference,” saad ni BanKo ace player Tiamzon.

“We’re really looking forward to this conference. Mas maraming teams, mas maraming matututunan.”

Bago ang tapatan ng dalawang koponan, maghaharap muna alas-2 ng hapon ang nagbabalik na Philippine Air Force Lady Jet Spikers at defending champions Creamline Cool Smashers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?