67

By

Thurman nagsalita ukol sa parinigan nina Manny at Floyd

Mas panonoorin umano ng mga fans kapag si Keith Thurman muli ang babanat kay Manny Pacquiao kesa kay Floyd Mayweather Jr.

“At the end to the day, nobody wants to see it. Real fight fans know, it ain’t gonna be more exciting than what Keith Thurman just did [with Pacquiao].”

Ito ang pahayag ni One Time matapos kumalat sa social media ang patutsadahan ni PacMan at Pretty Boy.

Matatandaang dinungisan kamakailan ng fighting senator ang undefeated record ni Thurman nang magsagupaan sila para maging WBA Super Welterweight Champion nitong Hulyo 20 sa MGM Grand Garden sa Las Vegas.

Habang sariwa pa ang isyu hinggil sa kanyang unang pagkakatalo ay siya na mismo ang nagsalita na kalabanin muli ang Pambansang Kamao upang makaahon muli sa karera ng boksing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?