94

By

Thurman humihirit ng rematch

Pagkalista ng kanyang unang talo laban kay newly-crowned World Boxing Association super welterweight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, batid ni American fighter Keith Fitzgerald Thurman Jr. na may bangis pa ang Pambansang Kamao.

Wagi si Pacquiao via split decision, 115-112 ang naitala nina judges Dave Moretti at Tim Cheatham pabor kay Pacquiao samantalang 114-113 naman ang kay judge Glenn Feldman para kay Thurman nitong Linggo (Sabado ng gabi sa Estados Unidos),sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

“Manny Pacquiao is a truly great champion,” saad ni Thurman (29-1 win-loss), na aminado di nakasabay laban kay Pacquiao.

“I wish I had a little bit more output to go toe to toe. My conditioning, my output was just behind Manny Pacquiao’s tonight. It was great night of boxing. I would love a rematch,” hirit ni pa ni Thurman. “Tonight was a blessing and a lesson,”

Umangat ang record ni Pacquiao sa 62-7-2 sa edad na 40 taong gulang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?