271

Thurman babagsak sa 9th round! – Roach

Batid ni Freddie Roach na hindi magiging mabilis ang laban ni Manny Pacquiao kontra Keith Thurman, ngunit kumpiyansa ang world-class trainer na sa dulo, hahalikan ng Amerikano ang lona.

Ayon sa nagbabalik coach ng ‘Pambansang Kamao’, tingin niya ay paniguradong babagsak ang undefeated boxer na si Thurman.
At sa dulo, si Pacquiao ang tatanghaling undisputed WBA welterweight champion.

“I don’t think it will end early. Both are tough guys and usually are in long distance fights so I think Manny’s gonna knock him out about the ninth round,” ayon kay Roach.

Ayon pa sa longtime trainer ni fighting senator, hindi pa nakakakita si Thurman ng kasing bilis at kasing liksi ng kanyang alaga.

“I think Thurman can’t handle Manny’s speed and Manny’s speed is continuous, it doesn’t go away halfway through the fight,” paliwanag pa ng seven-time Trainer of the Year awardee.

Samantala, pahinga sa ensayo si Pacquiao noong Biyernes (Sabado sa Pilipinas), kinokondisyon na ang sarili ngayong isang linggo na lang bago ang paghaharap nila ni Thurman.

Sa Hulyo 21 ay magkukrus na ang landas ni Pac-Man at Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?