531

Mar 21, 2020 @ 14:57
By

‘Through the Years’ hitmaker Kenny Rogers, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang country music singer na si Kenny Rogers sa edad na 81.

Ayon sa kanyang pamilya, pumanaw si Rogers dahil sa “natural causes” noong Marso 20.

“The Rogers family is sad to announce that Kenny Rogers passed away last night at 10:25PM at the age of 81. Rogers passed away peacefully at home from natural causes under the care of hospice and surrounded by his family,” sabi sa tweet ng kanyang kinatawan.

Kabilang sa mga kantang pinasikat niya ang “Islands in the Stream”, “We’ve Got Tonight”, “Lady” at “Through The Years”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?