73

By

Three-peat! Ateneo winalis ang UAAP Season 82

Walang bahid ng mantsa. Malinis. Petmalu!

Makasaysayang winalis ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang lahat ng 16 na laro ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Season 82 men’s basketball tournament tungo sa pagsikwat ng ikatlong sunod na korona matapos talunin sa Game 2 ng best-of-three finals ang karibal na University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers, 86-79, kagabi sa Mall of Asia Arena.

Muling namuno sa opensa si Thirdy Ravena na nagpakawala ng walo sa 17 puntos sa ikaapat na yugto upang ibigay ang three-peat sa Blue Eagles at ikatlong sunod din niyang Finals MVP award.

Umayuda si SJ Belangel ng career-best 15 points para tulungan ang Ateneo na supalpalin ang mga tangkang comeback ng UST, na bumalikwas sa 16-point first half hole at dumikit sa isa, 67-66, sa pamamagitan ng layup ni CJ Cansino.

Namuno si Belangel sa 16-5 run ng Blue Eagles na diniinan ng slam dunk ni Angelo Kouame sa huling tatlong minuto para muling ilayo ang mga kampeon saw along puntos na agwat, 83-71.

Nagsalpaj si Belangel ng 5-of-10 three point shot para ipabaon kina Ravena at Matt Nieto ang korona sa kanilang huling playing season.

Nag-ambag naman si Nietto ng 14 na marka kasama ang anim na carom at limang feed.

Sa kabilang dako, naka-16 points si Rhenz Abando, 14 points mula kay Mark Nonoy at 11 points, 19 rebounds ang hatid ni Soulemane Chabi Yo para sa UST.

Ito naman ang huling laro nina Growling Tigers Renzo Subido, Zach Huang at Enrique Caunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?