38

By

Thompson bumida sa balwarte, Ginebra nilasing ang Blackwater

Inspirado ang naging laro ng Digos native na si Scottie Thompson sa harap ng kababayan sa pagharap ng Barangay Ginebra kontra sa Blackwater Elite, 85-67, nitong Sabado sa Davao Del Sur Coliseum.

Sa salpukan tumapos ang two-time Most Improved Player ng 16 points, 11 rebounds at anim na assists para dominahin ang naghihikahos na Blackwater.

Kanyang nakatuwang sina Japeth Aguilar na sumipol ng 20 points, at Greg Slaughter na may 17.

Unang buslo si Kevin Ferrer na pumuntos ng 14 points, walo ay sa first quarter kung saan nagpakawala ng 16-2 run ang Ginebra para malubog ang kalaban.

Umabot pa sa 24 puntos ang kalamangan, na hindi na nagawang habulin pa ng Blackwater dahilan para bumagsak sa 1-5 kartada, habang angat naman ang Ginebra sa 3-2 baraha.

Nasayang ang career game ni Joseph Eriobu para sa Elite, may 14 points at walong rebounds, habang ang rookie naman na si Abu Tratter ay nagpakitang-gilas sa 13 points, pitong rebounds at limang steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?