42

Jun 27, 2020 @ 22:01
By

Thomas: Bird nag-MVP kasi puti

Dati nang kilala si Isiah Thomas dahil sa kanyang angas sa loob at labas ng hardcourt.

At noong 1987, hindi nakatakas si Larry Bird sa patama ng dating Detroit Pistons guard.

Sa report ng Washington Post, sinabi ni Thomas na kung Black American lang si Bird ay normal na manlalaro lang ito, at nag-iba lang ang tingin sa kanya dahil sa kulay nito.

“The only reason he won all those MVPs is because he’s white.” ayon kay Thomas. “If {Bird} was black, he’d be just another good player.”

Kung titingnan, hindi maikakaila ang galing ni Bird sa basketball, nag-average ng 24.3 points, 10 rebounds at 6.3 assists sa kanyang career.

Bukod pa dito ay nagwagi din ng tatlong kampeonato si Bird para sa Boston Celtics, dalawa dito ay siya ang tinanghal na Finals MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?