62

By

Thirdy swak din! Pringle, Standhardinger bala ng Gilas sa SEA Games

Mga beterano at bagito ang sasalang sa Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa simula Nobyembre 30.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, naipasa na nila sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ang 24-man pool na sasabak para sa men’s basketball event.

Hindi pinangalanan lahat ng sasalang ngunit kinumpirma ang pangalan ng dalawang Fil-foreign player na sina Ginebra guard Stanley Pringle at SMB forward Christian Standhardinger.

Kasama rin sa pool ang dalawang Ateneo standout na sina Thirdy Ravena at Isaac Go.

“It is a way for us to develop other players,” ayon kay Panlilio. “If you see the mix of the players, may mga amateurs.”.

Ngunit nilinaw ni SBP special assistant to the president Ryan Gregorio na posible pa itong mabago dahil sa pagbibitiw ni Yeng Guiao bilang Gilas head coach.

Sa Setyembre 30 pa ang deadline ng pagsusumite ng pangalan kaya’t posible pang magkaroon ng pagrerebisa sa pool

Samantala, patuloy pa ang paghahanap ng SBP sa susunod na magiging lead mentor ng Gilas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?