81

Sep 14, 2019 @ 21:10
By

Thirdy bet si Tab bilang Gilas coach

Matapos ang balitang binitawan na ni coach Yeng Guiao ang Gilas Pilipinas bilang head coach ay samu’t saring komento ang inabot nito tulad ng pagsisi sa kanya dahil sa pagkakatalo, pamba-bash at ang iba naman ay nagpapasalamat.

Ang iba naman ay hindi napigilang magprisinta bilang pamalit sa coach tulad ni Joe Devance nang mag-tweet sa kanyang Twitter account na “Am I allowed to coach Gilas?!!”

Ngunit para sa iba naman ay mas gustong ibalik si Tab Baldwin marahil ito ay subok at may kalidad na para sa international competition.

Ayon sa mismong panayam ng Abante kay Thirdy Ravena, suportado niya kung ibabalik ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Baldwin bilang coach.

“Of course we’re gonna be really happy and malaki ang suporta namin as a team for sure. Kasi he really brings a lot to the game. With all his knowledge internationally,” ani Thirdy.

“Marami siyang matutulong sa team as well as sigurado ako kapag maganda yung program and magiging maganda yung outcome kapag si coach Tab yung nandon.“ sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?