45

By

Thirdy ayaw sa anino ni Kiefer

Hindi matatawaran ang puso at sipag na ipinamalas ni Thirdy Ravena, back-to-back-to-back Finals MVP matapos ibigay ang three-peat sa Ateneo Blue Eagles nang walisin sa best-of-three finals ng UAAP Season 82 ang UST Growling Tigers.

Sa kanyang kabayanihan, unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan si Thirdy at kumakawala sa anino ng kanyang Kuya Kiefer, dating ‘King Eagle’ at ngayon ay isa na sa mga main man ng NLEX Road Warriors sa PBA

“What happened was, I took myself out of my brother’s shadow not just this year but ever since Coach Tab [Baldwin] came in. And he told me that the biggest pressure was shouldn’t be trying to be like your brother or your father but the biggest pressure should be coming from yourself in trying to be the best player I can possibly be,” kwento ni Thirdy matapos makumpleto ng Ateneo ang three-peat kasunod ng 86-79 Game 2 victory nila laban sa UST nitong Miyerkoles sa MOA Arena.

Kasaysayan rin ang inuukit ni Ravena nang maging unang Finals MVP, sa Final Four era, sa tatlong sunod na season.

“With that, I effectively removed myself out of brother’s shadow and focus to be the best player I can possibly be. Not just for myself but for my teammates,” patuloy nito.

“For me, it’s not even about accomplishments but it’s about trying to work at something and not trying to work to be like someone and I am just trying to be the best version of me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?