673

Tetangco, Mendoza umalis na rin sa PAL

Nag-resign na rin ang dalawa sa pangunahing board member ng Philippine Airlines Inc. na sina Estelito Mendoza at dating Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr..

Kinumpirma ng una sa The Philippine Star na Nobyembre 20, 2019 pa ito nag-resign, subalit hindi na nagpaliwanag pa sa rason ng pag-alis sa kompanya.

Pinamunuan ni Tetangco ang Corporate Governance Committee ng PAL, kung saan kabilang si Mendoza sa mga miyembro.

Sa ngayon, wala pang nailalabas na official announcement ang airline sa pagre-resign ng dalawa, na inaasahang pormal na tatanggapin sa susunod na board meeting ng PAL.

Si Tetangco ang unang BSP Governor na nakapaglingkod nang dalawang sunod na termino (mula Hulyo 2005 hanggang Hulyo 2017). Samantala, si Mendoza ang Solicitor General ng administrasyong Marcos at Professional Law Awardee ng University of the Philippines Alumni Association.

Bukod sa kanila, una nang nag-resign sa PAL sina PAL senior vice president for planning and commercial group Angelito Alvarez, PAL senior vice president and general counsel Siegfred Mison, PAL chief commercial group adviser Datuk Bernard Francis, at PAL senior vice president for operations Ismael “Nicky” Gozon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?