28

May 21, 2020 @ 15:18
By

Terrence Romeo saludo kay SMC boss Ramon Ang

Sobrang proud si SMB guad Terrence Romeo kay San Miguel Corporation (SMC) President Ramon S. Ang dahil sa patuloy nitong pagtulong sa marami kahit kabilang ang kumpanya nito sa apektado ng coronavirus pandemic.

Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Romeo ang litrato ng butihing SMC boss at isang mensahe ng pasasalamat dito.

“Saludo po kami saiyo boss RSA!!! Thank you so much po sa iyong pag mamalasakit at pag mahahal para sa ating bayan at mga kababayan. Mabuhay po kayo!! To God be the Glory!” caption ng basketbolista.

Kabilang sa mga naitulong ni Ang sa bansa ang pagdo-donate ng mga testing at booths kit sa mga LGU, pamimigay ng mga nutribun laban sa kagutuman sa COVID-19, pag-donate ng litro-litrong gasolina para sa shuttle ng mga frontliner at mga relief effort para sa mahihirap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?