156

By

Terrence Romeo, parang import – mga netizen

Pasok na sa semifinals ng ginaganap na “Terrific 12” East Asia Super League sa Macao, China ang San Miguel Beermen matapos dominahin ang Ryukyu Golden Kings ng Japan, 101-92, nitong Huwebes.

Makakaharap ng Beermen sa semifinals ang Liaoning Flying Leopards na pinangungunahan ng NBA player na si Lance Stephenson sa September 21.

Impresibo ang nilaro ng SMB import na si Dez Wells sa kinamadang 42 points, six rebounds, at three steals.

Bumulusok naman sa local scoring si Terrence Romeo sa 18 points habang nag-ambag ang isa pang import na si Lester Prosper ng 15 points para sa San Miguel.

Nag-trending naman sa second spot sa Twitter Philippines si Romeo dahil sa balik sa pormang laro nito.

Ilan ang nagsabi na pang-import ang dating nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?