80

By

Terrence Romeo hahagupit kontra Rain or Shine

Babalik na si Terrence Romeo para sa San Miguel Beermen laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa Biyernes.

Ito’y matapos siyang magkaroon ng sprained ankle sa unang laban sa 2019 Philippine Cup kontra sa Columbian Dyip.

Kinumpirma ito ng general manager ng SMB na si Gee Abanilla.

Hahambalos ang San Miguel para makaganti sa 104-93 kabiguan sa TNT KaTropa.

Ganundin ang katayuan ng Rain or Shine, sinapit ang kanilang unang talo sa conference kontra sa Blackwater Elite, 111-99.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?