18

By

Terrence Jones isip-bata! – Chris Ross

Kasabay ng mainit na salpukan ng TNT at San Miguel ang muling pagdidikdikan nina Chris Ross at Terrence Jones.

Sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup Finals, nagkiskisan sina Ross at TNT import Jones sa kalahati pa lamang ng opening salvo.

5:51 sa first quarter, nag-agawan sa rebound sina Jones at Ross na nauwi sa wasiwas ng una dahilan para bumagsak ang SMB guard.

Nang makabangon si Ross ay nakasagutan ang ex-Houston Rockets player, dito na na-headbutt ang seven-time PBA champion.

Tinawagan ng flagrant foul penalty 1 si Jones, technical naman ang pinataw kay Ross, ngunit tingin ng PBA veteran ay dapat mas mabigay na parusa ang binigay sa super reinforcement na tumapos ng may 37 points, 18 rebounds at siyam na assists sa 115-105 win ng TNT.

Buwelta pa ni Ross, isip-bata umano si Jones dahil sa pagganti nito sa pang-aasar niya.

“He’s mentally a baby. Mentally, he’s a baby,” pakli ng 34-year old guard.

“He came and headbutted me. I thought that was more than an F1,” aniya pa. “They can call what they call, but mentally, he’s a baby. I thought I’ve seen people get ejected for headbutts. But I guess not today.”

Tingin din ng San Miguel veteran, hindi dapat siya nabigyan ng TF dahil paniniwala niya’y wala siyang ginawa kay Jones.

“They (referee) thought I said something. You can’t give a tech when you’re thinking something. That was the explanation to me,” lahad pa ni Ross.

Binuweltahan din ni Ross ang pagpapatama ng TNT sa ginagawang ‘mind games’ ng SMB, sinabi na ipagpatuloy lang ng KaTropa ang pag-iyak sa PBA management dahil tila gumagana ito patunay ang 50 free throws na ibinigay sa MVP-owned team sa Game 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?