82

By

Tenorio determinadong lampasan si Patrimonio

Nakatabla na ang Ginebra veteran guard na si LA Tenorio sa ‘Iron Man’ record ni ‘The Captain’ Alvin Patrimonio sa naging laban nila kontra Phoenix Fuel Masters.

At hindi pa magpapapigil ang 34-anyos kahit pa naka-596 na sunod-sunod na laro.

“I’m willing to do it. It doesn’t matter kung anong number (of games) as long as I can play, I will play,” saad ni Tenorio. “Hopefully yung legacy na maiiwan ko dito sa PBA o sa propesyon natin, maging inpirasyon ako especially sa mga aspiring basketball players.”

“All glory to God for my 596th consecutive games in the PBA! Salamat sa walang hanggang suporta, sa panalo at sa best player of the game ngayong gabi,” saad nito sa kanyang caption sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?