68

By

Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 11.8°C

Nagsimula nang bumaba ang temperatura sa Baguio City.

Ayon sa PAGASA nitong Lunes ng 6:00 am, naitala sa malamig na 11.8 degrees Celsius ang temperatura sa tinaguriang “Summer Capital of the Philippines”.

Sa kasalukuyan, ito na ang lowest temperature na naitala sa Baguio mula nang magsimula ang Amihan season noong Oktubre 24.

Inaasahan na bababa pa ito nitong Disyembre at Enero ng susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?