73
Teddy nag-sorry kay JK
By

Teddy nag-sorry kay JK

Sa guesting ni Teddy Corpuz sa TWBA, inihayag niya ang kanyang side sa isyu na muntik nang mabuwag ang kanilang banda na ‘Rocksteddy’.

Sabi niya, ‘yung mga ka-banda raw niya ay all focused sa ‘Rocksteddy’ at wala talaga ibang pinagkakaabalahan.

Sinabi rin ni Teddy na sa kanilang magkaka-banda, siya lang talaga ang taga-compose ng kanta, at napaisip daw siya na paano kung dumating ang oras na wala siyang mapiga o mapagod siya, paano na ang banda nila?

Hinikayat daw ni Teddy ang mga kabanda niya na gumawa ng ibang pagkakaabalahan o gigs para may ibang gimik. Gusto raw kasi ni Teddy na magpahinga sa pagiging Rocksteddy.

Bumuo na nga rin daw ang Rocksteddy ng ibang pagkakaabalahan tulad ng pagbebenta ng shirts at ang magiging income nun ay ipinaubaya niya na sa kanyang band mates.

Tungkol naman kay JK Labajo, nag-usap na raw sila nang maayos at humingi na rin daw siya ng sorry sa batang rakista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?