133

By

Technovanti walang lisensya para sa investment – SEC

Walang permit ang Technovanti Neteligence Inc. na kumuha o mag-solicit ng mga investment sa publiko.

Ayon sa Securities and Exchange Commission, marami na itong natatanggap na ulat at inquiry tungkol sa Technovanti.

Sabi ng SEC, ginigiit ng Technovanti na 100-percent na lehitimo ang operations nito.

Saad pa, kailangan ng hiwalay na lisensiya para mag-alok ng investment at wala ang Technovanti nito.

Dagdag pa ng SEC, ang pagrerehistro bulang corporation ay hindi sapat na awtoridad para mag-solicit ng investment dahil ibang lisensiya iyon.

Ayon sa impormasyong nakalap ng SEC, paid-to-click program ang gimik ng Technovanti kung saan sinasabi nitong kikita ang mga tao sa panonood ng video.

Dalawang complan ang alok ng Technovanti: isang P1,000 at isang P1,500 na may kasamang alkaline capsule products.

Makakukuha daw ang P500 bonus sa pagkuha ng kahit aling complan at P1,500 na YouTube viewing reward na katumbas ng P300 a day sa isang video na papanuorin.

May alok pa itong passive income tulas ng P100 sa bawat mare-recruit at leadership bonus pati na iPad, bakasyon sa Ibiza at Caribbean cruise, sports car at food cart business.

Ang catch? ang minimum encashment ay P3,000 kaya kumukuha ang mga nauuto ng maraming accounts.

Sabi ng SEC, May 22, 2018 naglabas ng babala laban sa mga paid to click programs na wala namang pinag-iba sa pyramiding o ponzi scheme kung saan ang kita ng mga tao ay kinukuha lang sa mare-recruit nila dahil wala naman itong malinaw na pagkakakitaan.

Pinapayuhan ng SEC ang mga tao na maging mapanuri sa kanilang mga papasukin na investment lalo na sa mga PTC peograms na bigla na lang nagkakaroon mg downtime na nagpipigil sa mga taong kumubra ng kita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?