249
Team ‘Pinas underdog sa Group D - Guiao
By

Team ‘Pinas underdog sa Group D – Guiao

Tingin ng ilan ay may tsansa ang Pilipinas sa nabilangang grupo sa katatapos lang na 2019 Fiba World Cup draw na ginanap sa Foshan, China.

Ngunit taliwas ito sa sentimiyento ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao.
Sa isang televised interview matapos ang draw, sinabi nito na Pilipinas ang maituturing na underdog sa nasabing pool, haharap sa mga bigatin ng European region na Italy at Serbia, pati sa ang pinakamaraming ginto sa Afrobasket na Angola.

“We are the overwhelming underdogs against any of those teams,” saad ni Guiao. “But we won’t go there just to participate. We will give a good account of ourselves.”

Kung titingnan ang latest Fiba ranking, may basehan ang pangamba ni Guiao. Nasa ikaapat na pwesto ang Serbia, wagi rin ng silver sa nagdaang 2014 Fiba World Cup habang 13th ranked naman ang Serbia. Ang tanging nasa ilalim lang ay ang Angola sa 39th ngunit itinuturing na pinakalamakas na bansa sa African region sa 11 gold.

Gayunpaman hindi pa rin nawawalan ng kumpiyansa si Guiao sa pag-asang makatungtong sa second round.

“We’re the weakest in our group, but we’re coming with the mindset that we can win at least one, maybe two games,” aniya pa. “Probably that will enable us to go to the next round.”

Tingin naman ni Guiao, isang koponan ang posibleng masilat ng Pilipinas, habang ang dalawa naman ay talagang magpapahirap sa national team dahil sa kalidad ng kanilang mga manlalaro.

“If there’s a team that we can hope to maybe upset, it will be Angola,” pakli ng PH mentor. “Serbia is really a powerhouse, a world class team certainly. It’s the same with Italy. I also don’t think this time teams will take us for granted, and those teams are going to prepare for us as hard as we’re going to prepare for them.”

Kung tutuusin, isa ang Pilipinas sa mga pwedeng makasilat sa torneo, ang bansa ang tanging ibang rehiyon na nakasampa sa podium finish maliban sa Europa at Amerika na kanilang nakamit noong 1954.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?