35

Feb 14, 2020 @ 13:00
By

Team Pacquiao 3×3 MPBL all-star champ

Dineliber ni Alvin Pasaol ang huling puntos sa Team Pacquiao upang daigin ang Team Paras, 21-15, at madale ang kampeonato sa 3rd MPBL All-Star 2020 3×3 nitong Huwebes sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Tinapos ni Pasaol ang laro na may eight points at iuwi ng kaniyang koponan ang trophy at P100,000 cash. Umagapay si Thirdy Ravena ng 8 markers sa likod 10 puntos ni Troy Rike.

“Sobrang sarap mag-3×3 game,”pahayag ni Ravena. “I haven’t played this game for a long time.”

Ligwak man ang Kobe squad nina Juan Gomez de Liano, Joshua Munzon, Marco Alcaraz at Gerald Anderson may pabuya silang P50,000.

At sa All Star Game, kumabig si Paolo Hubalde ng 11 pts. para makaungos ang North vs South 3×3, 21-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?