201

By

Team Liyab magpapasiklab sa League of Legends SEA qualifiers

Nakatakdang makipaglaban sa mga bigatin ng Southeast Asia ang Team Liyab para sa League of Legends SEA national qualifiers.

Ang Team Liyab, na official eSports team ng Globe at Mineski, ay tatangkaing makopo ang top spot para irepresenta ang Pilipinas sa parating na League of Legends (LoL) Southeast Asia Tour (SEA Tour) Finals na gaganapin sa susunod na buwan sa Vietnam.

Ang Liyab-League of Legends team ay kasalukuyang walang dungis sa National Qualifiers ng LoL Legends SEA Tour. Para sa parating na National Minor event, haharapin ng Liyab ang tatlo pang local team sa best-of-three match, single elimination bracket para sa karapatang ibandera ang Pinas kalaban ang mga pambato ng Singapore/Malaysia, Indonesia, at Thailand.

Kakapanalo lang ng Liyab sa ilang major LoL events tulad ng Mogul Silver Slam – SEA Tournament na ginanap noong February 23 kung saan nasungkot ang pagiging overall champion at nakapag-uwi ng P80,000 in cash.

Dagdag pa sa mga binibida ng koponan ay ang pagdomina nito sa group stage ng Philippine Pro Gaming League (PPGL),ang premier multi-game nationwide tournament sa bansa. Kanilang pinabagsak ang ilan sa mga malalakas na eSports team sa Pilipinas tulad ng Imperium Pro Team, ISC at Arkangel para makakuha ng slot sa main event at posibleng mapanalunan ang P400,000.

Samantala, hindi naman magpapahuli ang Liyab – Arena of Valor team na nagwagi na rin ng ilang titulo tulad ng ESL Clash of Nations 2019 Philippines kung saan nakuha nila ang tsansang madala ang pangalan ng Pilipinas sa ESL Clash of Nations – Arena of Valor Regional na gaganapin sa JIExpo Convention Center, Jakarta, Indonesia sa March 29-31. Ang ESL Clash of Nations ay may prize pool na aabot sa USD50,000, ang tatanghaling overall champs ay mag-uuwi ng USD25,000.

Kasabay ng pamamayagpag ng Liyab ay ang pag-angat ng Pilipinas pagdating sa mundo ng global eSports. Sa pamamagitan ng Globe Games and Esports Program, patuloy ang kanilang pagtuklas ng mga talentadong Pinoy sa nasabing larangan para masuportahan ang pag-usbong ng panibagong palakasan.

Kasabay nito ay ang pag-launch ng unang Esports center sa bansa na pwedeng ma-experience sa Play Nation sa UP Town Center, Quezon City para sa mga PC, mobile at console gamers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?