45

By

Team Giannis babangga sa Team LeBron sa All-Star Game

Inilabas na ng NBA ang starting lineups para sa annual All-Star Game na sasambulat sa February.

Pangungunahan ni reigning league MVP Giannis Antetokounmpo ang Eastern Conference team.

Makakasama niya sa line-up sina Toronto Raptors forward Pascal Siakam, Atlanta Hawks guard Trae Young, Boston Celtics guard Kemba Walker at Philadelphia 76ers center Joel Embiid.


Si LeBron James naman ang magsisilbing team captain para sa Western Conference.

Sahog sa starting lineup ng Team LeBron sina Anthony Davis, Clippers star Kawhi Leonard, Houston Rockets guard James Harden at Dallas Mavericks guard Luka Doncic


Iaanunsyo pa sa Jan. 30. ang reserve members ng kapwa koponan.

Magsisimula ang All-Star weekend sa Feb. 14 sa United Center sa Chicago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?