130

By

Team Gerald, pinataob ang Team Daniel sa Star Magic All Star Game

Grabe ang hiyawan sa loob ng Araneta Coliseum noong hapon ng August 19 dahil sa final game ng Star Magic All Star Game kung saan Team Blue na pinangungunahan ni Gerald Anderson at Team Read ni Daniel Padilla ang naglaban.

Halos mabingi ang ibang nanood dahil sa lakas ng tili ng mga fans ng magkalabang team. May mga nagbabalyahan pa, pero hindi nila inda ang sakit ‘pag nakaka-shoot na ang kanilang idolo.

Ang palarong ito ay taun-taon na ginagawa ng Star Margic artists para sa mga tagahanga ng kanilang artista.
Matinding laban ang nangyari sa pagitan ng Team Blue at Team Red. Sadyang malakas ang team ni Gerald dahil first quarter ay lamang na sila.

Pumilit na makahabol o maka-tie man lang ang team ni Daniel, kaya lang kapag dumidikit na sila sa Team Blue ay muling aarangkada ang mga ito at maiiwan ang Team Red.

In the end, win ang team ni Gerald sa score na 113-75.

Tinanghal na Most Valuable Player si Gerald, Rookie of the Year naman si Richard Gutierrez ng Team Red.
Ang Mythical 5 ay sina Daniel, Gerald, Rayver Cruz, Jv Kapunan at Axel Torres.

Masayang-masaya ang mga tagahanga nang lumabas ng Araneta dahil muli na naman nilang nakita nang sama-sama ang kanilang mga idolo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?