21

By

Taylor Swift, tinanghal na ‘world’s highest paid celebrity’

Kinabog ni singer Taylor Swift ang angkan ng mga Kardashian matapos siyang pangalanang “world’s highest paid entertainer”.

Batay sa annual Forbes Celebrity 100 list, top 2 at top 3 lang sina reality star turned cosmetics queen Kylie Jenner at rapper Kanye West.

Kumita si Swift ng $185M sa kanyang 2018 Reputation tour and album para upuan ang No 1 spot.

Pumangalawa naman si Jenner, 21, na half-sister nina Kim, Khloé at Kourtney Kardashian, sa estimated $170M earning nito dahil sa kanyang online lip kits at cosmetics company.

Samantala, nagbalik sa listahan ang mister ni Kim Kardashian na si West makalipas ang apat na taon.

Ayon sa Forbes, mayroong pre-tax earnings na $150M si West dahil sa popular Yeezy sneaker line niya.

Pasok sa top 10 sina soccer stars Lionel Messi, Cristiano Ronaldo at Neymar maging si British singer-songwriter Ed Sheeran at 1970s soft rock band Eagles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?