62

By

Taxi driver nang-harass ng Australian vloggers

Nanganganib matanggalan ng lisensiya ang isang taxi driver habang posible ring masuspendi o makansela ang prangkisa ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito matapos mang-harass ng Australian travel vloggers.

Ayon sa ulat sa Saksi, ikinuwento nina Michael at Nelly ang naranasan nilang pambabastos sa taxi driver na si Jhumil Bule ng Taytay, Rizal.

Sumakay umano sila ng taxi mula sa airport at nagpahatid sa Makati.

Habang sakay sila ng taxi, humingi umano si Bule ng dagdag na bayad dahil sa kanilang “heavy luggage”.

“You can’t charge us for the luggage or we can call your company,” sagot umano ni Michael sa driver.

Dito na huminto si Bule at pinabababa sila sa taxi pero hindi sila bumaba na nagbunsod sa driver para magmaneho ng mabilis.

Naihatid ang mga vlogger sa kanilang destinasyon pero hindi na sila sinuklian sa ibinayad na P1,000 dahil wala umanong panukli si Bule.

“Posible na ma-suspend o makansela ang prangkisa, magre-recommend kami sa LTO na isuspinde o ikansela ang driver’s license ng driver na ‘yun,” ani LTFRB chairperson Martin Delgra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?