1,443

By

Taumbayan malaki pa rin ang tiwala, Grace Poe nanguna sa SWS rating

Marami pa rin ang nagtitiwalang mga Pinoy kay Senador Grace Poe na makikita sa pananatili nito sa unang ranggo sa huling tala na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) mula sa datos noong January 23 hanggang 26 na inilabas nitong Biyernes, February 1.

Umani ng 64% trust rating ang naturang Senador habang pumapangalawa naman dito si Senador Cynthia Villar na humakot ng 57% trust rating.

Hindi rin naman pahuhuli sina Lito Lapid, 44%, Pia Cayetano, 43%, Sonny Angara at Bong Go na parehong may 41%, Nancy Binay, 39%, Mar Roxas at Bong Revilla na parehong may 38 %, Koko Pimentel, 36 %, Bam Aquino, 33% at si Jinggoy Estrada na umani ng 31% SWS trust rating.

Samantala humahabol naman sa ika-13 hanggang ika-16 pwesto sina, Bato dela Rosa, 29%, Imee Marcos, 28%, Serge Osmeña, 27% at si JV Ejercito na umani ng 26% tiwala mula sa mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?