44

Jun 28, 2020 @ 22:05
By

Taulava may plano na sa retirement

Papalapit na ang pamamaalam ni Asi Taulava sa PBA.

Ngunit posibleng masilayan pa si ‘The Rock’ sa basketball ngunit hindi bilang player.

Ayon sa 47-anyos na player, siya’y nagpapatulong na sa dalawang batikang mentor na sina NLEX head coach Yeng Guiao at NU tactician Pat Aquino para sundan ang kanilang yapak.

“I have a good coach ahead of me, I want to thank coach Paul for giving me the opportunity,” ayon kay Taulava. “I always ask for advice. I want to understand the women’s game of basketball a little bit more. It happened to him [Aquino], and he just learned from experience.”

Sa ngayon ay assistant coach si Asi para sa women’s team ng UP, at balak niyang gawin itong full-time career pagtapos ng PBA.

“I love the game, and at the same time, I’ll be teaching. All this stuff I have in my head, I want to teach,” paliwanag ni Asi, na nagwagi ng isang kampeonato at MVP award sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?