222

Jul 31, 2018 @ 16:05
By

Tauhan ni Go, na-coma matapos magbaril sa sarili

Agaw-buhay ngayon sa isang pagamutan sa Davao City ang isang staff ni Special Assistant to the President Bong Go matapos tangkaing magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Kinilala ang biktima na si Leo Angelo Apara, isang government employee na nakabase sa nabanggit na siyudad.

Kinumpirma ni Go ang tangkang pagpapakamatay ng kanyang staff na nasa “state of coma” sa ngayon.

Ayon sa kalihim, personal umano ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng kanyang tauhan.

Si Apara aniya ang isa sa mga nakatutok sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na lumalapit sa kanilang tanggapan partikular ang mga nangangailangan ng pagpapagamot.

()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?