10,658

Feb 25, 2020 @ 13:38
By

Tatay ni Sarah hinamon ng suntukan ni Matteo

Hinamon din ni Matteo Guidicelli ng suntukan ang tatay ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo, ayon sa bodyguard ng huli.

Nang dumulog sa “Raffy Tulfo in Action” si Jerry Tamara, kinwento nito ang nangyari sa civil wedding nina Matteo at Sarah at ang umano’y pagsuntok sa kanya ng aktor.

Umawat aniya siya nang nakikipag-away na si Matteo kay Mommy Divine, na hindi natuwa sa sorpresang kasalan. Doon na aniya pinuntirya ng aktor ang tatay ni Sarah.

“Nagsabi po ako, ‘Sir, dapat hindi mo ginaganyan kasi magulang pa rin ni Mam Sarah ‘yan.’ Tapos maya-maya sir, umalis na naman siya. Tapos maya-maya, ‘yung tatay na naman ni Mam Sarah ang pinagdiskitahan niya,” lahad ni Tamara kay Tulfo kahapon, Pebrero 24, 2020, sa 9:34 mark ng YouTube video.

“‘O, nasa’n na ‘yung daddy ni Sarah?,’ sabi niya (Matteo). Sabi ko, ‘Sir, parating na po. Hintay lang po tayo.’ Sabi niya, ‘Pagdating nun, magsuntukan na lang kami’,” salaysay pa nito. “Four times niya po niyaya yung tatay ni Mam Sarah na magsuntukan na lang.”

Una nang tinanggi ni Sarah, ayon kay VIVA Entertainment boss Vic del Rosario, na nangyari ang sapakan at may baril sa eksena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?