43

Apr 6, 2020 @ 11:40
By

Tatay ni John Arcilla pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang tatay ni ‘Heneral Luna’ actor John Arcilla na si Dominador Alemania Arcilla.

Gayunman, kinlaro ng aktor na hindi COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay.

“Dear friends, my father is gone not because of COVID. If not for the Quarantine which I believe is necessary, and this painful circumstance which understandably need not to favor with our grieving family, I would not express anything about my Father’s fate,” sambit ni John kahapon.

“I do not feel good announcing the passing of someone very Dear to me. But the feeling of not seeing even his body for the last time while we’re just here 5 hours away from him, isn’t easy to handle,” sambit niya pa.

Sa Facebook, pinaliwanag ng aktor ang mga balakid sa gusto sana nilang mangyari sa labi ng kanilang tatay, ngunit hindi magagawa dahil sa mga hakbang laban sa COVID-19 sa ‘Pinas.

Lahat aniya ng mga apo at kalahati ng bilang ng kanyang mga kapatid ay nasa Manila, habang nasa Baler ang labi ni Dominador.

Sa huli, napagpasyahan na mananatili ang katawan ng tatay sa funeral chapel sa loob ng 2 araw at pagkatapos ay ililibing saksi ang limitadong bilang ng mga dadalo.

“I do not blame anyone for the situation. My sense of judgement and reasons fully understood the consequences. I just need to express something that is too much bear,” hayag ni John.

“Please pray for our family most specially for my beloved father Dominador Alemania Arcilla. Thank you for reading this. God bless you all,” sey niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?