502

By

Tatay ni Alden, dama ang pagsabog ng Taal Volcano

Abot-tanaw ni ‘Daddy Bae’ Richard Faulkerson ang Taal Volcano, na nag-aalburoto nitong Linggo ng hapon.

Sa kuhang larawan ng tatay ng Kapuso star na si Alden Richards, makikita ang usok at abo na nagmula sa bulkan.

Binahagi din ni Faulkerson ang video kung saan inabot na ng ashfall mula Taal Volcano ang kanilang lugar.

Sa ngayon ay nasa alert level 3 na ang bulkan dahil sa patuloy na volcanic activity na may lindol din at tremor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?