1,515

By

Tatay maraming time kasi talo sa eleksyon: Alex sinagot ang basher

Pinatamaan ng isang basher si Alex Gonzaga tungkol sa tatay nitong si Bonoy Gonzaga, na tumakbong mayor sa Taytay, Rizal ngunit natalo sa re-electionist mayor na si Joric Gacula.

Sa Instagram post ni Alex, kasama nito ang kanyang ina na si Pinty at ang kanyang tatay na nag-throwback sa kanilang bakasyon sa Europe.

“Nothing is more rewarding than seeing your parents happy!!! Children, always make them happy,” saad sa caption ni Alex.

Sagot naman ng isang IG user @g10090501: “Dami na time ni Daddy no @cathygonzaga #talo”

Sey naman ni Alex: “yes more time for our family, apo, business and to serve the Lord fulltime again. He has more time now but still not enough to comment on someone’s picture like you.”

Ngunit hindi pa rin napatahimik ang nasabing basher.

“@cathygonzaga lel, uy na hurt ka ng bahagya no? #TaloPaRin,” giit nito.

“@g10090501 hindi at all natawa sayo kasi akala mo mahuhurt kami sa troll [laughing with tears emoji] poorness,” patama naman ni Alex.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?