741

By

Tatay ginagamit! Anak ni Bruce Lee, pinasusuka ng $30M ang Chinese resto

Demanda ang tinapat ng anak ni Bruce Lee sa isang Chinese fast food chain dahil sa paggamit ng imahe ng legendary martial artist ng wala umanong permiso.

Inakusahan ng Bruce Lee Enterprises, na si Shannon Lee ang nangangasiwa, ang Kungfu Restaurant Management dahil sa ginamit na logo si Bruce na hindi nagbabayad ng intellectual property rights.

Tugon naman ng fast food chain, pinayagan sila ng Chinese authority na gamitin ang nasabing logo.

“We’re confused that we are prosecuted many years later. We’re actively studying the case and preparing to respond,” saad sa Weibo ng Chinese resto.

Pinagbabayad ni Shannon ang Chinese fast food ng 210 miilion yuan o abot $30M para sa danyos, at pinapatigil din ang paggamit ng logo na imahe ni Bruce Lee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?