33
joy
By

Tapos ni Rivero, Gob talon UP din

Matapos ang pagtalon ng La Salle basketball star na si Ricci Rivero sa bakuran ng Fighting Maroons, isang Lasalista na naman ang nag-ober da bakod sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si J-Boy Gob ang bagong dagdag sa bataan ni UP head coach Bo Perasol sa darating na season ng UAAP.

Ayon kay Perasol, isang malaking ayuda para sa UP si Gob dahil talentado at mahusay ito pero kailangan niya ng pagkakataon para maipakita kung anong meron siya.

Ang 21-anyos na si Gob ay naglaro sa La Salle Greehills at nagtala ito ng 14.9 puntos at 15.1 rebounds per game averages habang isang puntos at isang rebound lamang bilang rookie sa Green Archers noong Season 78 at dahil sa ACL injury ay hindi ito nakapaglaro ng dalawang season.

Isang magandang balita naman para kay Perasol ang paglipat ni Gob sa UP dahil matagal niya ng minamanmanan si Gob.

“In fact, I really wanted to have him when I was in Ateneo, but he opted to go to La Salle. At least this time, we can really have him,” ani Perasol.

Kailangan munang mag-serve ng one-year residency si Gob bago siya sumabak sa court sa Season 82 ng UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?