245
Tapos na ang drama: Ray Parks pirmado na
By

Tapos na ang drama: Ray Parks pirmado na

Matapos ang ilang buwan na usapan, mukhang biyahe na pa-PBA ang dating NBA D-League player na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa kanyang Twitter post, kanyang ibinahagi ang maikling salita ngunit makabuluhan para sa mga naghihintay ng kanyang susunod na hakbang matapos ang ABL stint.

Matatandaan na ngayong araw nakatakda ang meeting ni Parks at ang nakasungkit sa kanya na Blackwater Elite, isa sa mga pag-uusapan ay ang offer sa kanya na unang nai-report na abot sa P10M sa tatlong taon.

Hindi pa batid ang detalye sa pinirmahan ni Parks, ngunit tila sigurado na ang pagsalang nito next conference sa primyadong liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?