110

By

Taong grasa nagtitinda ng prutas para mapakain ang alagang pusa

Nagtitinda ng dayap o lime araw-araw ang taong grasa na si Loong Dum para maalagaan at mapakain ang kanyang mga pusa.

Ayon sa The Pets Castle, nakatira si Loong sa ilalim ng isang mataas na istasyon ng tren sa Thailand.

Minsan, wala siyang sapat na pagkain para sa kanyang sarili ngunit hindi ito mahalaga sa kanya.

Ang una niyang prayoridad ay palaging pakainin ang kanyang minamahal na pusa.

Sa kanya, sila ang kanyang pamilya, at umaasa sa kanya.

Sa kasamaang palad, dahil sa kanyang hindi kaaya-ayang hitsura, nagdadalawang isip ang mga tao na bumili ng kanyang panindang prutas.

Gayunpaman, inilalaan niya ang lahat ng kanyang naiipon para sa pagkain ng kanyang mga pusa.

May mga araw na hindi siya kumakain ngunit sulit ang lahat basta’t ang kanyang mga pusa ay may makakain.

“I’m fine with skipping meals, but the cat needs to eat,” sinabi ni Loong sa Pets Castle.

Ang kwento ni Loong Dum ay nag-viral matapos mapansin ng isang Warunya Wattanasupachoke ang nakapaskil sa paninda nito “20 baht per bag, profits will pay for stray cat’s food expenses.”

Nagtulungan ang mga netizen para siya ay makakuha ng bagong damit at magupitan ang kaniyang malago nang buhok.

Inaasahan nila na pamamagitan ng paglilinis at pagmemake-over sa lalaki ay matulungan nila itong mas mabenta ang panindang dayap.

Para kay Warunya hindi dapat hinuhusgahan ang mga tao sa panlabas na anyo. Sabi niya, “Take Loong Dum for example. Though he is homeless and rugged-looking, he has a big heart.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?