331

By

Tanyag na referee, tiwalang tulog si Thurman kay Pacquiao

Habang tumatagal, lalong lumalakas ang tama.

Ganyan inilarawan ng Hall of Famer referee na si Joe Cortez ang ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa nalalapit nitong laban kontra kay Keith Thurman para sa WBA world welterweight belt.

“Pacquiao is up in age, but he looked outstanding defeating Adrien Broner in January,” ayon kay Cortez.

“If he fights the same way against Thurman, I have to go with Manny by a TKO win.”

Si Cortez ay nakapag-referee na kay Pacquiao, sumabak bilang mediator sa laban ng ‘Pambansang Kamao’ kontra kay South African Lehlo Ledwaba sa unang laban ng Pinoy sa Amerka.

Siya rin ang naging referee sa unang laban nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez, maging ang featherweight classic kontra Erik Morales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?