35

Apr 1, 2020 @ 16:46
By

Tanong kay Matteo: Buntis si Sarah?

Nainitriga si Matteo Guidicelli sa isang Facebook Live video nang matanong kung buntis ba ang asawa nitong si Sarah Geronimo.

Sa ‘One Voice Pilipinas’ noong Linggo, nanghingi ng tips si Matteo kay Nico Bolzico, ang mister ni Solenn Heussaff, kung papaano maging mabuting ama.

“I’m pretty good at it. I’m a pro already. Two things: You let them be. You give them freedom to do whatever they want, whatever their passion is. And no boys allowed,” sey ni Nico.

Matapos nito ay biglang bumali naman si Bolzico at ginulat si Matteo sa tanong nito kung buntis na daw ba si Sarah.

“Is Sarah pregnant?” tanong ni Nico.

“No, no, no,” agad namang tugon ni Matteo.

Hindi umano sila nagmamadaling magkapamilya ni Sarah at enjoy muna sa kanilang buhay mag-asawa.

“It’s just one month that we’re married but every single day feels like a blessing, feels like a dream,” ayon kay Matteo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?