26

By

‘Tanggapan ng kooperatiba pasasabugin kapag namigay ng bonus!’

Binulabog ng bomb threat ang tanggapan ng isang kooperatiba sa Batangas City noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa nagbabanta gamit ang text messages, pasasabugin ang opisina kung ibibigay na agad ng mga namamahala ang bonus ng mga empleyado at mga miyembro,

Batay sa report ng Batangas City police, natanggap ng isang Kenneth Fabella, representative ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC), ang text messages mula sa numerong 09076609861 na nag-uutos na huwag munang ibigay ang bonus ng mga miyembro at mga empleyado.

“Alam ko ito po ang main office ng SIDC, ‘wag nyo munang ibibigay ang bonus kung hindi pasasabugin namin ngayong oras, ayoko naman madaming madamay. hanggang dec 20 yan ibigay and sumunod kayo sa usapan natin para walang madamay na tao,” ayon sa text message.

Agad naman itong pinagbigay-alam ng pamunuan ng SIDC sa pulisya na anila ay bagaman nakakatawa ay hindi rin dapat ipagwalang bahala.

Hindi naman malaman ng pamunuan kung ano ang layunin ng nagpadala text at ano ang nasa likod nito.

Ang SIDC na nakabase sa Sorosoro Ibaba, Batangas City ang isa sa nangungunang agri-based cooperative sa bansa na may 10,547 mga regular member, 14,250 mga associate member, at nasa higit 300 mga regular employee na karamihan ay miyembro rin ng kooperatiba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?