605

Tambay lang sa playoffs! LeBron sumagot sa banat ni Barkley

Kakasa ang four-time league MVP na si LeBron James sa hamon ni ‘Sir’ Charles Barkley.

Ito’y matapos sabihin nang ngayo’y NBA analyst na dapat ay pumunta sa kanilang studio si LeBron dahil wala naman itong gagawin sa playoffs.

“LeBron James, come into the studio. You ain’t got nothing to do,” ayon kay Barley. “I know you’ve got to pick a head coach and a general manager. Just put that on the backburner.”

Sa Twitter ni James, ipinabatid nito na kahit nalaglag siya sa playoffs ay siksik pa rin ang kanyang gawain.

Idinagdag pa niya na posibleng maglalaan siya ng oras para paunlakan ang imbitasyon ni Barkley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?