234

By ,

Tambalang Kobe-Ricci kakaliskisan ng Beda

Masasaksihan na ang unang paglalaro sa UP Fighting Maroons nina Kobe Paras, Ricci Rivero at Jay Gob.

Ibabandera ng Fighting Maroons ang tatlong recruit sa 13th FilOil Flying V Preseason Cup ngayong Mayo 5 kontra San Beda Red Lions alas-dos ng hapon.

Makasasama ng tatlo ang mga naiwang Fighting Maroons na sina Jun Manzo, Juan at Javier Gomez De Liaño, JD Tungcab, Janjan Jaboneta, Pio Longa, David Murrell, Bright Akhuetie, Jerson Prado, Will Gozum at James Spencer.

Balik-aksyon din para sa Peyups si Noah Webb matapos nitong hindi maglaro ng isang taon.

Ito ang pagbabalik ni Rivero sa collegiate league matapos maupo ng isang taon kasabay ng pagkalas nito sa La Salle habang si Paras naman ay malalasap ang unang collegiate league nito sa bansa, na huling naglaro sa Cal State Northridge.

Si Gob naman ay huling naglaro sa Green Archers hanggang sa umalis din ito sa tropa matapos matanggal sa Team A ng koponan.

Nasa Group A ng 16-team tournament ang UP at makakasama nito ang Arellano University, De La Salle University, Jose Rizal University, San Beda University, San Sebastian College-Recoletos, University of Perpetual Help System Dalta at University of Santo Tomas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?