977

By

Tama na, sobra na! Lakers kumalas sa Davis trade

Hindi na itutuloy sa ngayon ng c ang pagkuha kay Anthony Davis.

Ito’y kasunod ng report na humihingi pa ng karagdagang draft pick ang Pelicans pata sa six-time All-Star gayong nasa anim na player at dalawang draft pick na ang nakahain para kay Davis.

Sa report ng Los Angeles Times, pinaalam na umano ni Lakers president of basketball operations Magic Johnson kay Pelicans generap manager Dell Demps na hindi na sila interesadong makipag-usap para sa trade.

Sa kasalukuyan handang ipalit ng Lakers sina Lonzo Ball, Kyle Kuzma, Brandon Ingram, Josh Hart, Ivica Zubac, Kentavious Caldwell-Pope at dalawang first round draft pick.

Ngunit bukod dito, hiling pa ng New Orleans ang anim hanggang walong draft para kay Davis, dahilan para ilarawan ng Lakers na ‘outrageous’ umano ang counteroffer.

They wanted more and more and more,” ayon sa source ng LA Times. “There was no more to give… the more they wanted the more it because outrageous and unrealistic.”

Matatandaan na humiling ng trade si Davis sa New Orleans organization, at sa Los Angeles ang balak na sunod na irepresenta ng superstar forward.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?