108

By

Talo pa tanim bala! ‘Tanim kaso’ talamak sa kulungan – Sotto

Kahit sa mga piitan, uso na rin ang makabagong modus para kumita.

Nilantad ni Senate President Tito Sotto na may mga inmate umanong napipilitang magbayad kahit pa nakatakda na silang lumabas.

“Isa pa, lalabas na, palabas na. Talagang irerelease na siya. E ‘yun daw ‘yung tanim kaso,” ayon kay Sotto sa panayam sa dzMM.

“Sasabihin, hindi ka pwede lumabas. Meron ka pang naka-pending [na kaso].’ E maglalagay ka para mawala ‘yung pending mo dahil wala naman talaga e. May ganon. Talo ‘yung tanim bala. Ito, tanim kaso,” lantad pa ng Senate president.

Ito’y kasunod ng pagbulgar din ni Sotto, maging ni Senador Panfilo Lacson, na mayroon umanong bentahang nagaganap kapalit ng paglaya sa ilalim ng good conduct time allowance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?