299

Jun 29, 2020 @ 17:57
By

Takot sa China: ‘Pag wala na si Duterte, babangon ang ‘Pinas – Trillanes

Sabik na si dating Senador Antonio Trillanes sa panahon na bababa na sa kanyang puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Twitter post, kumpiyansa si Trillanes na makakabawi ang Pilipinas sa lashat ng hamon, kabilang ang coronavirus (COVID-19) pandemic kapag naglaho na si Duterte.

“Kapit lang. Aahon din muli ang Pilipinas pag wala na si duterte,” ayon pa kay Trillanes.

Nauna nang sinisi ng dating senador si Duterte sa likod ng lahat ng problema ng bansa kabilang ang nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng coronavirus.

“Sabi ni Duterte wag daw magsisihan. Well, we refuse to let him get away with it,” aniya sa Twitter.

”Si Duterte ang may kasalanan kung bakit palpak at corrupt ang gobyerno, bagsak ang ekonomiya, mahirap ang buhay, maraming COVID cases, walang masakyan, at lubog na sa utang ang bansa,” dagdag pa nito.

Sabi pa ng dating senador, takot ang Pangulo na ma-offend ang China kaya naging ganito ang COVID-19 situation sa bansa.
“Kung kumilos lang sana agad si Duterte at ipinabawal ang pagpasok ng mga galing sa China, hindi ganito ang magiging sitwasyon natin. Pero mas nangibabaw ang takot nya na baka maoffend ang China,” ani Trillanes sa mga reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?