11,294

Mar 26, 2020 @ 10:34
By

Takot makahawa: Nurse na may COVID-19, nagpakamatay

Kinitil ng isang nurse ang kanyang sariling buhay matapos na malaman na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ang nurse ay 34-anyos, nagsilbi sa San Gerardo Hospital sa Lombardy, Italy, at sinasabi sobrang stressed sa takot na nakalat niya ang coronavirus habang naka-duty.

Nagtatrabaho ang nurse sa intensive care unit habang naka-quarantine nang malaman na positibo siya sa coronavirus.

Dahil dito’y nagdalamhati ang National Federation of Nurses sa Italy dahil sa pagkalagas ng kanilang kasamahan.

“Each of us has chosen this profession for good and, unfortunately, also for bad: we are nurses,” saad ng samahan.

Sa Italy, nasa 5,760 health worker ang tinamaan ng virus, halos walong porsyento ng kabuuang bilang ng COVID-19 patient sa naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?