230

Aug 1, 2018 @ 18:01
By

Takot maintriga: Bea Binene ayaw nang ilantad ang bagong dyowa

Marami pa rin ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin daw napapabalitang karelasyon ang Kapuso young actress na si Bea Binene.

Ilang taon na rin naman daw ang nakalilipas mula nang magkahiwalay sila ni Jake Vargas na ngayon ay kasintahan na ng dalaga nina John Estrada at Janice de Belen na si Inah.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng mga intrigero na hanggang ngayon ay wala pang makitang kapalit ni Jake si Bea o hindi pa ito tuluyang nakaka-move on.

Gayunman, may mga tsika ring lumabas na may bago na raw nagpapatibok sa puso ni Bea.

Non-showbiz daw ito kaya hindi lumulutang sa showbiz world.

Isa pa, sadya raw itinatago ni Bea ang karelasyon para iwas-intriga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?