862
Tagisang Sotto-Eusebio mainit sa Pasig
By

Tagisang Sotto-Eusebio mainit sa Pasig

Sa kabila ng mga sirang vote counting machine (VCM), mainit pa rin hanggang ngayon ang tunggalian ng mga Eusebio at Sotto sa Pasig City dahil makikita ang kanilang mga supporter na kaliwa’t kanan ang bangayan sa araw ng halalan kaya naman matinding traffic ang inabot ng mga botante papunta sa kani-kanilang presinto.

Alas-otso ng umaga nang dumating sa Rosario Elementary School sa Pasig si reelectionist Mayor Bobby Eusebio para makaboto.

Wala namang anumang aberya na naganap sa pagboto ni Eusebio kumpara sa kanyang katunggali na si mayoralty candidate Vico Sotto.

Hindi umano gumana ang VCM sa polling precinct ni Sotto sa Valle Verde 5 na kung saan bandang alas-8:43 ng umaga ito dumating kasama ang kaniyang ina na si Connie Reyes.

Technical problem sa VCM ang naranasan ni Sotto na agad namang pinalitan ang makina at naipasok na ang bilang ng boto ni Sotto.

Magiging kaabang-abang ang resulta ng eleksyon sa Pasig City, ito ay dahil sa paglaban ni Sotto sa mga Eusebio na matagal nang nanunungkulan sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?